Send-off Ceremony ng mga ipapakalat na opisyal sa ASEAN Summit, isinasagawa

     2 months ago
28
Leave a Comment
0 SHARE

Nagsasagawa ng Send-off Ceremony para sa mga libu-libong sundalo at pulis na ipapakalat sa idaraos na 31st Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit.

Idinadaos ang seremonya sa Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila.

Sinimulan ang seremonya sa isang misa sa pangunguna ng ilang pari para sa mga opisyal na magsisilbing bantay sa seguridad ng summit.

Kablang sa mga nakatakdang ipakalat na opisyal ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Bureau of Fire Protection (BFP), at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa iba’t ibang unit formation.

Naghanda naman ang mga otoridad ng patrol bikes, police cars, fire truck, ambulansya at sasakyang-pandigma sa lugar.

Matapos ang seremonya, nakatakda nang ma-deploy ang mga opisyal sa kanilang mga assignment sa Maynila para sa paghahanda sa ASEAN Summit.

Source link

0 SHARE

Post Comments