,’Sereno umaasa nang ‘change of heart’ sa SC justices sa motion for reconsideration’

     57 mins ago
4
Leave a Comment
7 SHARE

Buo umano ang paniniwala ni dating Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magkakaroon pa ng “change of heart” ang mga mahistrado at babaguhin ang kanilang desisyon sa quo warranto petition na nagpatalsik sa kanya sa puwesto.

Ito raw ang dahilan kung bakit maghahain pa rin ng motion for reconsideration si Sereno sa Korte Suprema para hilinging baliktarin ang desisyon sa quo warranto.

Paliwanag niya, marami na umanong pagkakataon na may mga desisyon na nabaliktad kaya buo ang kanyang paniniwala na mangyayari rin ito sa kanyang kaso.

Naniniwala naman si Sereno na kaya siya tinanggal sa pamamagitan ng quo warranto dahil alam ng walong mahistradong pumabor sa petisyon na malulusutan niya ang impeachment trial.

Maalalang eksaktong isang linggo na ngayon nang naglabas ang Korte Suprema ng desisyon pabor sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida.

Sa botong 8-6 ay napatalsik sa puwesto si Sereno.

Kabilang sa mga pumabor sa quo warranto sina:

1. Associate Justice Teresita de Castro
2. Associate Justice Diosdado Peralta
3. Associate Justice Lucas Bersamin
4. Associate Justice Samuel Martires
5. Associate Justice Noel Tijam
6. Associate Justice Andres Reyes
7. Associate Justice Alexander Gesmundo
8. Associate Justice Francis Jardeleza

Habang ang mga bumoto naman para ibasura ang petisyon ay sina:

1. Senior Associate Justice Antonio Carpio
2. Associate Justice Marvic Leonen
3. Associate Justice Benjamin Caguioa
4. Associate Justice Estela Perlas Bernabe
5. Associate Justice Presbitero Velasco
6.Associate Justice Mar del castillo

Source link

Post Comments