Shabu laboratory sinalakay ng PDEA sa Malabon

     5 months ago
69
Leave a Comment
41 SHARE

(BREAKING) Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang shabu laboratory sa Malabon.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino ang shabu laboratory sa 3-11 Dela Cruz Street, Barangay Tinajeros sa Malabon ay nagsisilbi ring warehouse.

Tatlong palapag ang nasabing warehouse at nang pasukin ito ng mga tauhan ng PDEA ay tumambad sa kanila ang mga kagamitan sa paggawa ng ilegal na droga.

Nasabat sa operasyon ang mga kemikal at iba pang gamit sa paggawa ng shabu.

Ayon sa PDEA, ang nasabing shabu lab ay kunektado sa sinalakay rin ng PDEA na laboratoryo sa Ibaan, Batangas kahapon.

Dalawang katao ang dinakip sa nasabing operasyon kabilang ang isang Pinoy at isang Chinese looking na lalaki na kapwa may edad na.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

41 SHARE

Post Comments