Smuggled luxury cars sa BoC, pa-bulldozer ko sa Martes – Duterte

     3 months ago
20
Leave a Comment
12 SHARE

DAVAO CITY – Inianunsyo ngayon Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ipapadurog sa pamamagitan ng bulldozer ang mga mamahaling sasakyan o mga smuggled luxury cars na nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) sa darating na Martes.

Sinabi ni Pangulong Duterte, ang mga smugglers din ang nakikinabang kapag nagkaroon ng auction sa mga smuggled na mamahaling sasakyan dahil sila ang nakakaalam kung kailan ang subastahan at sila ang may perang pambili.

Ayon kay Pangulong Duterte, matapos ang aution ay mabibigyan na ang mga smugglers ng papeles at magiging ligal na ang pagmamay-ari sa sasakyang binili na sa mas murang halaga kaya grabeng pambabastos ito sa mga Pilipino.

Hindi naman sinabi ni Pangulong Duterte kung sasaksihan niya mismo ang pagsira sa mga nakumpiskang sasakyan.

“So ang gawain ko, ngayong Tuesday, manood kayo sa pera ninyo. Kay tanang luxury car na gi-import, paligsan ko na ug tractor. I-bulldozer ko na karong Tuesday. Giignan na nako si Sid. Ayaw na ibaligya kay mao ra gihapon. Sila ra may makinabang, sila ra maoy gihapon ang mag-atang. Legal pa, mura pa, kay auction,” ani Pangulong Duterte.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque, patunay itong seryoso ang pamahalaan sa paglaban sa smuggling lalo na sa katiwalian.

Inihayag pa ni Roque na mas magandang sirain na lang ang mga sasakyan dahil kung ito ay isusubasta pa ng BoC ay mabibili lang din ito ng mga nagpasok ng mga ito sa bansa.

Magugunitang noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay pinasira din nito ang mga luxury vehicles na nasabat ng BoC.

Source link

Post Comments