Solicitor General pinayuhan na maghanda na sa kaso ni Duterte sa ICC

     2 months ago
99
4 Comments
38 SHARE

Dapat umanong maghanda na lamang si Solicitor General Jose Calida para idepensa sa International Criminal Court si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sen. Antonio Trillanes, imbes umano na asikasuhin ni Calida na ipangalandakan nito ang pagkakabasura ng Ombudsman kaugnay sa kaso ni Pangulong Duterte hinggil sa diumano’y tagong yaman ng pangulo ay mas makabubuting maghanda na lamang ito para sa pagharap ni Duterte sa ICC.

Sinabi rin ni Trillanes na hintayin na lamang ang mismong pahayag ng Ombudsman sa isinampang reklamo laban kay Duterte

Nauna ng iginiit  ni Calida na nadismiss na ang umano’y reklamo ng senador sa Ombudsman laban kay Duterte pero lumalabas ay naka archive lamang pala ito o pansamantalang ihininto ang imbestigasyon.

Source link

38 SHARE

Post Comments