SONA ni Pang. Duterte mas maikli kumpara sa naunang dalawang SONA

     2 days ago
18
Leave a Comment
5 SHARE

Aasahan na mas magiging mas maiksi ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23 kumpara sa naunang dalawang SONA.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil sa nagsagawa na ng pre-sona ang iba’t ibang chairman ng cabinet cluster committee ng pangulo.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na may ipatatawag na cabinet meeting ngayong hapon ang pangulo sa Malakanyang.

Ito ay para ilatag kung ano ang magiging laman ng SONA ng pangulo.

Pero bago ang cabinet meeting, inaaasahan ang paghaharap nina Pangulong Duterte at ni CBCP President Romulo Valles at ang ceremonial handover ng proposed federal constitution by the consultative committee na pawang magaganap sa Malacañang.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

5 SHARE

Post Comments