South Korea ‘di sang-ayon kay Trump na ipatigil ang ‘war games’

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Pag-aaralan pang mabuti ng Presidential Blue House ng South Korea ang naging pahayag ni US President Donald Trump na pagpatigil nila ng military drill.

Ayon kay South Korean President Moon Jae In, nangangailangan ng malalim na pag-aaral ang naging pahayag ng US President.

Dagdag pa nito na walang nabanggit sa kaniya si Trump nang makausap niya ito matapos ang makasaysayang summit ng US at North Korea sa Singapore.

Nakikita raw kasi ng North Korea na ang annual exercises ay pagsasanay sa pag-atake ng South Korea na nauna nang pinabulaanan ng Seoul at sinabing para lamang sa kanilang pagdepensa sakaling may lumusob sa kanila.

Magugunitang sinabi ni Trump na makakatipid pa sila kapag itinigil na ang nasabing military exercise.

Hindi naman sang-ayon sa nabanggit na plano si dating US Defense Secretary William Cohen at tinawag itong hindi magandang ideya.

Sinabi pa nito na mas mahal kapag walang sapat na kahandaan ang South Korea at US sakaling magbago ng isip ang North Korea.

Sa ngayon nasa 28,500 ang American troops na nakabase sa Korean Peninsula.

Isa namang mambabatas sa Amerika na si Senator Lindsey Graham, mula sa Republican party sa South Carolina at regular na nakakausap ni Trump, ang mahigpit na tumututol na alisin ang tropa ng Amerika sa South Korea.

Ilan din sa mga observers sa South Korea ang nagulat sa naging pangako ni Trump kay North Korean leader Kim Jung Un.

Sa mga susunod na buwan kasi isasagawa na naman ang taunang isa sa pinakamalaking joint military exercises sa buong mundo.

Ang “Ulchi Freedom Guardian” na noong nakaraang taon ay umabot ng 11 araw ay nilahukan ng 17,500 American forces, kabilang na ang 3,000 mga sundalo mula sa ibang bansa at nasa 50,000 South Korean troops.

Source link

0 SHARE

Post Comments