Speaker Alvarez: Walang away sa pagitan ng Kamara at Ombudsman

     6 months ago
18
Leave a Comment
4 SHARE

Itinanggi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na may gusot na namanagitan sa Kamara at Office of the Ombudsman.

Ayon kay Alvarez, walang constitutional o kahit political crisis sa pagitan ng Kamara at Ombudsman kahit hindi niya ipinatupad ang utos nito na sibakin sa puwesto si House Deputy Speaker at Cebu Rep. Gwendolyn Garcia.

Iginiit nito na wala sa Saligang Batas na may kapangyarihan ang Ombudsman na magsuspinde at magpatalsik ng miyembro ng Kongreso.

Paliwanag nito, nakasaad sa Saligang Batas na tanging ang House of Representatives lamang ang may kapangyarihan upang suspindihin o kaya naman ay alisin ang isa nitong miyembro.

Gayunman, mangangailangan pa ito ng 2/3 na boto ng buong kapulungan.

Nilinaw naman ni Alvarez na inirerespeto niya si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa kabila ng hindi pagpapatupad ng dismissal order.

Ang pahayag ay ginawa ng House Speaker kasunod ng pagmamatigas nito hindi ipapatupad ng ang dismissal order na ipinataw ng Ombudsman kay Rep. Garcia dahil sa maanomalyang pagbili ng Balili property sa Naga, Cebu noong ito ay gobernador pa.

Source link

4 SHARE

Post Comments