Spice Girls susubuking muling mabuo ngayong taon

     2 months ago
9
Leave a Comment
3 SHARE

Inanunsyo ng Spice Girls ang posibilidad na muling mabuo ang kanilang grupo makaraan itong madisband noong taong 2012.

Isang larawan sa Instagram ang kanilang ibinahagi sa kanilang mga tagahanga.

Ayon sa Spice Girls statement, “We have enjoyed a wonderful afternoon catching up and reminiscing about the amazing times we have spent together…the time now feels right to explore some incredible new opportunities together”.

Noong 90’s ay sumikat ang nasabing pop group na binubuo nina Victoria Beckham, Melanie Brown, Emma Bunton, Melanie Chisholm at Geri Horner.

Ang all-girl group ay nakapagbenta ng 85 million albums worldwide at kabilang ang mga Pinoy sa kanilang mga tagahanga.

Huli silan nagtanghal bilang isang grupo noong 2012 sa closing ceremony ng London Olympics.

Taong 2016 nang muli nilang tangkain na buuin ang grupo pero sila ay nabigo.

Source link

3 SHARE

Post Comments