SSS contribution hike, tinitimbang pa ni Duterte – Palasyo

     6 months ago
18
Leave a Comment
4 SHARE

Nilinaw ng Malacañang na patuloy pang pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang taasan ang monthly contribution ng mga Social Security System (SSS) members.

Kung maaalala, kinumpirma ng SSS na hiniling na nila ang approval ni Pangulong Duterte para gawing 14 percent ang contribution rate ng mga miyembro mula sa kasalukuyang 11 percent simula sa Abril ngayong taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maingat na tinitimbang pa ni Pangulong Duterte ang negatibo at positibong epekto ng SSS contribution hike.

Ayon kay Sec. Roque, bagama’t kapag naitaas ang SSS premiums ay tatatag ang pension fund, ikinokonsidera naman ni Pangulong Duterte ang bigat na pasasanin rito ng mga miyembro.

Inihayag ng SSS na hindi naman daw masyadong maramdaman ng mga miyembro ang tatlong porsyentong pagtataas sa kontribusyon dahil two-thirds o higit kalahati nito ay babalikatin ng kanilang mga employer.

“The President is carefully weighing the issue on raising the monthly contribution of SSS members. While increasing SSS premiums would strengthen the long-term viability of the pension fund, the President considers the burden it may bring to the purchasing power of the members,” ani Sec. Roque.

Source link

Post Comments