Star Flyer ride sa Star City, tumirik

     7 months ago
65
Leave a Comment
3 SHARE

Tumirik ang kilalang extreme ride na Star Flyer sa Star City, Sabado ng hapon.

Tumagal ng 10 hanggang 15 minutong nakatirik ang ride matapos biglang huminto bandang 3:20 ng hapon.

Aabot sa 10 ang mga apektadong pasahero sa nangyaring aberya.

Naganap ang aberya matapos mag-fluctuate ang kuryente sa lugar.

Kinailangan pa ng isang personnel mula sa amusement park para i-troubleshoot ito para mapaandar muli ang extreme ride.

Agad namang binigyan ng tubig ang mga pasahero at sinuri ng first aid team para matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Sa ngayon, balik na sa normal ang operasyon sa naturang amusement park.



Source link

3 SHARE

Post Comments