‘State of calamity, rehab’ sa Boracay tatalakayin sa cabinet meeting’

     2 months ago
9
Leave a Comment
0 SHARE

ILOILO CITY – Tatalakayin na sa darating na cabinet meeting ang panukalang isailalim sa state of calamity ang Boracay bunsod ng polusyon sa isla.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Epimaco Densing III, ipiprisinta na ang panukala sa Cabinet meeting sa Marso 5, bagama’t una na aniya itong natalakay ng technical working group sa pagpupulong sa Boracay noong nakaraang linggo kasama ang Department of Tourism (DoT) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon sa opisyal, kinatigan ng DoT ang panukalang state of calamity para sa Boracay samantalang nag-aalangan naman dito ang DENR.

Nasa kamay na aniya ng Pangulong Rodrigo Duterte kung aaprubahan ang deklarasyon ng state of calamity.

Giit ni Densing, kailangan mapasailalim sa state of calamity ang Boracay upang mapabilis ang bidding at procurement process sa rehabilitasyon ng isla.

Pinaboran din aniya ng Department of Tourism ang isinusulong na pagpapasara pansamantala sa isla ng Boracay simula buwan ng Hunyo.

Katunayan ayon sa opisyal, inaasahan nila na kapag natapos na ang rehabilitasyon sa isla, mas doble ang bubuhos na turista dahil marami ang sabik na makita ang ipinagbago ng Boracay.

Source link

Post Comments