‘State of emergency,’ closure ng ilang buwan, irerekomenda para sa Boracay – DILG

     7 months ago
28
Leave a Comment
9 SHARE

ILOILO CITY – Irerekomenda ng technical working group ang pansamantalang pagpapasara ng isla ng Boracay sa mga turista at pagsailalim sa lugar sa state of emergency.

Ito ang kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Epimaco Densing III, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Iloilo.

Ayon kay Densing na siya ring pinuno ng technical working group sa usapin ng rehabilitasyon ng Boracay, ilalahad niya ang nasabing rekomendasyon sa isasagawang meeting sa isla sa darating na Pebrero 21 na dadaluhan nina DILG Secretary Eduardo Año, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu at Tourism Sec. Wanda Teo.

Napakalaki na aniya ng problema ng Boracay na kailangan na mag-takeover ng national government sa pagresolba ng problema.

Ayon pa kay Densing, sa pamamagitan ng state of emergency ay mapapabilis din ang pagpapalabas ng pondo para sa pagsasaayos ng lugar.

Posible aniyang tumagal ng anim na buwan ang state of emergency habang 60 araw naman ang balak na pansamantalang pagpapasara sa isla.

Paliwanag ng opisyal, kailangan maglagay ng mga istruktura na gagamitin para sa isasagawang rehabilitasyon.

Dahil nataon na peak season, pinag-aaralan na ayon kay Asec. Densing ang magiging impact ng pagpapasara ng isla lalo na sa mga karaniwang manggagawa.

Tinitingnan pa ayon sa opisyal kung ano ang maibibigay na assistance sa mga maapektuhan ng pagpapasara pansamantala sa Boracay.

Source link

Post Comments