Subsidiya sa uuwing OFWs mula Kuwait, sagot ng gov’t – Duterte

     6 months ago
23
Leave a Comment
7 SHARE

Tiniyak ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na handang bigyan ng subsidiya ng gobyerno ang mga maaapektuhang overseas Filipino workers (OFWs) sa total deployment ban sa Kuwait.

Sinabi ni Pangulong Duterte, kinausap na niya si Labor Sec. Silvestre Bello III kaugnay rito na una ng kumontra sa total deployment ban.

Pero iginiit umano ni Pangulong Duterte na gagamitin ang pondo ng gobyerno para sa mga OFWs dahil hindi naman nila pera kundi ng taongbayan.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya makakapayag bilang presidente ng bansa na abusuhin at tratuhing para alila o hayop na ang ating mga kababayan sa ibang bansa.

Nagsabi pa si Pangulong Duterte na handa niyang ibenta sa demonyo ang kanyang kaluluwa para matustusan ang pangangailangan ng mga uuwing OFWs mula Kuwait.

Inihayag naman ng pangulo na narito sa bansa ang tatlong Arab o Kuwaiti officials para kausapin siya pero hindi pa masabi kung saan masisentro ang kanilang pag-uusap.

Tinatayang nasa 250,000 OFWs ang maaaring maapektuhan ng total deployment ban sa Kuwait kung saan karamihan dito ay Pinay domestic helpers.

Source link

Post Comments