Sumugod na mga nanay nakakalungkot, kulang sila sa impormasyon – Garin

     7 months ago
27
Leave a Comment
0 SHARE

Ikinalungkot ni dating Health Sec. Janet Garin ang pagsugod sa kanya ng ilang mga nanay ng mga kabataang nabakunahan ng dengue vaccine na Dengvaxia.

Sinabi ni Garin na kaya raw puno ng galit kahapon ang mga lumapit sa kanya na mga nanay dahil sa maling imprmasyon na natatanggap ng mga ito patungkol sa kontrobersiyal na Dengvaxia vaccination program.

Ikinakabahala din daw niya na maaaring matabunan ng insidenteng ito ang mga mahahalagang diskusyon ukol sa nasabing usapin.

Naniniwala rin daw siya na ito ay bahagi lamang ng “exaggeration” sa issue tungkol sa Dengvaxia at naglalayon na bigyan ng maling impormasyon ang taumbayan hinggil dito.

“Kung gagawin yun sa mga doktor na nagtatrabaho, sa opisyales ng departamento, at sa mga kasamahan natin sa health sector eh paano naman po ang taong bayan? Because at the end of the day, the ultimate victims of misinformation, the ultimate victims of people calling for panic and making this whole issue exaggerated, ang biktima rito pagdating nga panahon Pilipino parin at taumbayan,” ani Garin.

Bagamat naiintindihan daw ng dating kalihim ang galit na ipinakita ng mga sumugod sa kanya na mga nanay, kinuwestiyon naman nito ang intensyon ng mga magulang na ito sa pag-atake sa kanya sa loob mismo ng Kamara.

“Naiintindihan ko kung baka sakaling ‘yung nanghampas at nanuntok sa akin kung talagang nanay siya ng bata. Pero ang hindi ko naiintidihan ‘yung mga tao na may konsensya na gawin ito na ‘yung biktima na namatayan na nga eh lalo pang bibiktimahin,” wika pa ng dating kalihim.

Source link

Post Comments