Sundalo patay, 27 sugatan sa nahulog na military truck sa bangin

     3 months ago
36
Leave a Comment
5 SHARE

ZAMBOANGA CITY – Isang sundalo ang kumpirmadong nasawi matapos aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang military truck nitong Sabado ng umaga sa national highway ng Purok 5, Barangay Mirangan sa bayan ng Siay sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Sa inisyal na ulat mula sa 1st Infantry Tabak Division (1ID) ng Philippine Army, napag-alaman na 20 mga sundalo ang malubhang nasugatan kasama ang lima pang sibilyan na mga dependents.

Habang dalawa namang sundalo ang nagtamo ng hindi naman grabeng sugat sa katawan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Ronald Suscano ang tagapagsalita ng 1ID, inihayag nito na base sa kanyang nakuhang updated report may dagdag pang dalawang sundalo ang binawian ng buhay sa ospital.

Bagamat patuloy pa umano niyang kinukumpirma ang nasabing impormasyon dahil kasalukuyang nilalapatan ng lunas ngayon sa Zamboanga City ang mga biktima.

Sinabi ni Suscano na bumiyahe ang mga sundalo ng 35th Infantry Battalion sa pangunguna ni 2Lt. John Paul Bacsain kasama ang limang nilang mga dependents mula sa lalawigan ng Sulu at papunta sana sa headquarter ng 1ID para sumali sa pagsasanay ng Squad Challenge na sisimulan sa darating na Lunes.

Ang Squad Challenge ay taunang competition na sinasalihan ng mga tropa sa ika-31 ng Mayo, ang araw ng anibersaryo ng 1ID.

“Mayroon nadisgrasya mga tropa na supposedly mag participate sa Squad Challenge sa Monday in line sa Aniversary ng Tabak on May 31, many series of activities isa doon yung Squad Challenge that will start on Monday. So, lahat ng Battalion under 1ID will be sending their expected squad to compete at yung nadisgrasya ay 35 IB from Sulu. Nagbiyahe sila papunta dito sa Tabak then unfortunately yun nga nangyari,” pahayag pa ni Suscano.

Base naman sa ulat ng Police Regional Office (PRO-9), dead on the spot si Pfc. Glen Lumacad.

Habang itinago muna ang pagkakakilanlan ng marami pang mga biktima dahil ipinapaalam pa sa kanilang mga pamilya ang kanilang sinapit.

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng militar kasama ng kapulisan upang matukoy kung ano ang dahilan sa naturang aksidente.

Source link

Post Comments