Sunog sa Cebu mall, umabot sa 9-hrs., ‘di agad mapasok dahil zero visibility

     6 months ago
22
Leave a Comment
3 SHARE

CEBU CITY – Mahigit siyam na oras nang inaapula ng mga bombero ang apoy sa loob ng Metro Department Store sa Ayala Center Cebu City na nagsimula pa pasado alas-9:00 kagabi.

Ayon sa ground commander ng Bureau of Fire Portection-7 na si Fire Supt. Ronbaldo Orbita, nahihirapan na silang pasukin ang department store dahil zero visibility na ito sa kapal ng usok.

Dahil dito ay binutasan na lamang ng mga bombero ang dingding ng ikatlong palapag ng department store upang ay mayroong madaanan ang kanilang fire hose.

Napag-alaman na nagsimula ang apoy sa ikatlong palapag kung saan umano naroon ang bodega ng mga laruan.

Ayon naman sa City Disater Officer ng Cebu City na si Nigel Banacia, nag-collapse na ang fourth floor ng nasabing mall bunsod na rin sa sobrang init sa loob.

Sa ngayon ay sinisikap ng mga bombero na makontrol ang apoy at ma-contain lamang sa building ng department store upang hindi na kumalat sa iba pang bahagi ng Ayala Mall.

Doble ingat din ngayon ang mga rumerespondeng bombero sa posibilidad na pagbagsak ng mga nagka-crack o nabibiyak na bahagi ng mall.

Wala pa namang naiuulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Nabatid na nagkataon ding closing na ng mall nang mangyari ang sunog at sinuguro naman ng pamunuan ng department store na nakalabas ang lahat ng kanilang empleyado, gayundin ang mga kustomer.

Source link

Post Comments