Sunog sa mall sa Cebu City tatagal pa ng dalawang araw

     6 months ago
35
Leave a Comment
20 SHARE

Posibleng abutin pa ng dalawang araw bago tuluyang maapula ang sunog sa Metro Ayala Center sa Cebu City.

Ipinahayag ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office na hihirapan silang pasukin ang nasusunog na mall dahil sa kapal ng usok at kakulangan nito ng mga daanan.

Inilabas din ng mga otoridad ang haze alert dahil mapanganib ang mga kalsada sa Cebu Business Park bunga ng usok.

Tiniyak naman ng Metro Retail Group Inc. na nailikas ang lahat ng customer at mga tauhan ng mall.

Sumiklab ang apoy sa mall stockroom ng department store nito dakong 9:30 kagabi.

Patuloy pa ring inaapula ng mga bumbero ang sunog.

Source link

20 SHARE

Post Comments