Sunog sumiklab sa imbakan ng computer parts sa QC

     2 months ago
33
Leave a Comment
3 SHARE

 

Inabot ng halos dalawang oras bago tuluyang naapula ang sunog na naganap sa Gilmore sa kahabaan ng Aurora Boulevard sa Barangay Valencia, Quezon City.

Ayon sa mga otoridad, nagsimula ang sunog bandang alas-8:30 ng gabi sa ikalawang palapag ng Aurora Garden Plaza.

Sinasabing mga computer parts ang laman ng nasabing palapag.

Itinaas lamang sa unang alarma ang sunog na naapula bandang alas-10:15 ng gabi.

Maswerte naman na hindi kumalat ang apoy sa mga katabing establisyimento.

Walang naitalang nasugatan sa naturang sunog.

Samantala, patuloy pang inaalam ang sanhi ng pagliliyab, maging kung magkano ang kabuuang danyos na dulot ng insidente.

Source link

3 SHARE

Post Comments