Surigao City isasailalim sa state of calamity; 6 na patay marami sugatan dahil kay ‘Basyang’

     2 months ago
45
Leave a Comment
7 SHARE

BUTUAN CITY – Magsasagawa ng special session ang lokal ng pamahaan sa lungsod ng Surigao ngayong araw upang ideklara ang state of calamity dahil sa iniwang pinsala ng bagyong Basyang.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Butuan kay Surigao City Vice Mayor Alfonso Cassura, inimin nito na hindi nila inaasahan ang nangyaring flashflood kung saan halos lahat ng mga barangay sa nasabing lungsod ang nalubog sa tubig-baha.

Hindi umano kalakasan ang bumuhos na ulan kaya’t nabigla sila sa bilis ng pag-apaw ng tubig sa Surigao river na halos lagpas tao na ang lalim, sanhi kaya isinagawa ang madaliang rescue operation.

Samantala, umabot na sa 7,618 na mga pamilya o 32,574 na indibidwal na nagmula  sa 30 mga munisipalidad at isang lungsod ng rehiyon ang nagtala ng mga evacuees.

Ang mga ito ay pansamantalang tumutuloy sa 109 na mga identified evacuation centers.

Sa ngayon anim na ang naitalang casualty at marami pa ang sugatan, habang 67 kabahayan naman ang totally damage at 223 naman ang partially damaged dahil sa mga pagbaha at landslides.

Paralisado rin ang transportasyon sa ilang bahagi ng rehiyon matapos masira ang mga pangunahing daan at tulay gaya ng kalsada sa Barangay Cuyago at Puyo Bridge ng Brgy. Bangonay, sa bayan ng Jabonga, Agusan del Norte.

Hindi rin madaanan ang isang lane ng kalsada sa Barangay San Roque, sa bayan ng Kitcharao sa nasabi ring lalawigan at ang Quezon-Mapawa-Capalayan-Espina-Navarro Road sa Surigao City at Brgy. Mayag, Sison-Surigao del Norte dahil sa matinding pagbaha.

Nagpapatuloy pa ang isinagawang assessment ng Office of Civil Defense (OCD) Caraga sa kabuuang pinsala na iniwan ng bagyo.

Source link

Post Comments