Suspek sa pagpatay kay Joana Demafelis naaresto na – DFA

     2 months ago
34
Leave a Comment
17 SHARE

Naaresto na pangunahing suspek na pumatay sa overseas Filipino worker (OFW) na si Joana Demafelis sa Kuwait.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, naaresto sa Lebanon ang suspek na si Nader Essam Assaf.

Dagdag pa ng kalihim, naipaalam na nila ang pagkakaaresto ng suspek kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibinahagi nito ang pagkakaaresto sa pamamagitan ng paghingi ng Kuwaiti authorities ng tulong sa interpol para sa mabilisang pag-aresto kay Assaf.

Inaasahan na rin ni Cayetano ang mabilisang pag-extradite ng suspek sa Kuwait para agad na masimulan ang pagdinig sa kaso nito.

Si Assaf ang pangunahing suspek na pumatay kay Demafelis kung saan mahigit isang taon nitong inilagay sa freezer.

Source link

Post Comments