Suspek sa pagpatay sa isang hukom sa Camarines Sur arestado na

     2 months ago
22
Leave a Comment
5 SHARE

Naaresto na ang suspek sa pagpatay kay Judge Ricky Begino ng Municipal Circuit Trial Court, San Jose-Lagonoy, Camarines Sur.

kinilala ni Police Senior Supt. Jerry Bearis, Provincial Director ng Camarines Sur ang suspek na si Wilfredo Armea.

Ayon kay Bearis, alas-8:00 kanina ng maaresto ang suspek sa bayan ng San Jose sa tulong na rin ng mga kamag-anak nito.

Land dispute ang sinasabing motibo sa krimen.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na nakatayo lamang ang biktima malapit sa entrance ng MCTC ng bigla na lamang itong paputukan ng suspek kung saan tinamaan ito sa leeg na naging sanhi ng kamatayan nito.

Naisugod pa sa pagamutan ang huwes, pero binawian rin ito ng buhay habang ginagamot.

Narekober naman mula sa crime scene ang isang slug ng hindi pa nalamang baril.

Kasong murder ang kakaharapin ng suspek na isinailalim na sa booking procedure.

Source link

5 SHARE

Post Comments