Suspek sa pagpatay sa judge sa Cam Sur, naaresto na

     2 months ago
106
Leave a Comment
20 SHARE

(Update) NAGA CITY – Naaresto na ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa nangyaring pagpatay kay Judge Ricky Begino na nangyari kagabi sa Barangay Sta. Maria, Presentacion, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay S/Insp. Bernardo Peñero, hepe ng PNP Presentacion, sinabi nito na alas-8:30 kaninang umaga nang makipag-ugnayan sa kanilang himpilan ang suspek na si Wilfredo Armea upang pag-usapan ang boluntaryong pagsuko nito sa mga otoridad.

Ayon sa opisyal, sa sitio Lawa umano sa Barangay Sta Maria nangyari ang pagsuko ni Armea sa PNP.

Kinumpirma naman ng 70-anyos na suspek na away sa lupa ang dahilan kung bakit niya pinagbabaril si Judge Begino na nangyari alas-8:40 kagabi habang nakaupo ito sa harap mismo ng kanilang bahay sa naturang barangay.

Hinahanda na sa ngayon ng mga otoridad ang kasong murder na nakatakdang isampa laban sa nasabing salarin.

Nabatid na si Judge Begino ang tumatayong National President ng Philippine Trial Judges League Inc. o ang organisasyon ng mga municipal judges sa buong Pilipinas.

Source link

20 SHARE

Post Comments