Suspensyon ng Office of the Ombudsman vs ERC commissioners hindi pwedeng harangin ng CA – Zarate

     2 months ago
10
Leave a Comment
3 SHARE

Dismayado si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa pagharang ng Court of Appeals sa suspension na ipinataw ng Office of the Ombudsman sa apat na Commissioners ng Energy Regulatory Commission.

Ayon kay Zarate, tahasang panghihimasok ang ginawang pagpigil ng CA sa kapangyarihan at independence ng Office of the Ombudsman at sa Office of the President sa executory suspension na ipinataw sa mga ERC Commissioners.

Malinaw aniya sa Sec. 7 ng Ombudsman rules na ang isang apela ay hindi maaaring makapagpapigil sa isang executory decision at dapat itong maipatupad agad.

Nagpahayag din ng pagdududa ang mambabatas sa naging hakbang ng CA dahil executory ang desisyon ng Ombudsman at kanila rin itong ipinapanawagan noong una kay ERC Chairman Agnes Devanadera na kaagad ipatupad.

Nana rito, nagpalabas ng 60 days TRO ang CA upang harangin ang isang taong suspensyon kina ERC Commissioners Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricia Asirit, at Geronimo Sta. Ana sa dahilang wala pang nakikita ang tanggapan ng Pangulo na ipapalit sa mga ito.

Source link

3 SHARE

Post Comments