SUV bumaligtad sa Roxas Blvd., Maynila

     6 months ago
29
Leave a Comment
6 SHARE

 

Sugatan ang isang lalaki matapos tumaob ang minamaneho nitong SUV sa kahabaan ng Roxas Blvd, Ermita, Maynila sa tapat mismo ng US Embassy.

Wala pang pagkakakilanlan ang lalaki na agad isinugod sa ospital na ayon sa mga rumesponde ay naganap pasado alas-4:00 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na sumalpok ang SUV sa center island ng kalsada bago tuluyan na tumaob.

Sa lakas ng impact, nayupi ang harapang bahagi ng sasakyan.

Basag din ang magkabilang pinto nito at pumutok ang harapang gulong.

Samantala, nagdulot naman ng bahagyang pagabara ng daloy ng trapiko ang aksidente.

Mag-a-alas-5:00 naman na ng umaga nang mabatak ng mga tauhan ng MMDA ang SUV.

 

Source link

6 SHARE

Post Comments