Sylvester Stallone iniimbestigahan sa reklamong sexual assault

     2 months ago
34
Leave a Comment
5 SHARE

Iniimbestigahan ang beteranong hollywood actor na si Sylvester Stallone.

Inaalam ng US prosecutor kung sasampahan ng kasong sexual assault si Stallone kasunod ng reklamo ng isang babae.

Sa reklamo ng hindi kinilalang babae, taong 1990 nang pagtangkaan umano siya ng aktor.

Hindi na nagbigay ng ibang detalye sa reklamo laban sa 71-anyos na aktor.

Pero ayon kay Greg Risling, spokesman ng Los Angeles District Attorney, sumasailalim na sa review ang nasabing usapin at saklaw pa ito ng ten-year limitation.

Inihain ang reklamo sa gitna ng hashtag “me too movement” na naka-sentro sa sexual harassment sa hollywood.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

5 SHARE

Post Comments