Tagle sa ‘Walk for Life’: ‘Ang buhay kahit ng mga kaaway ay regalo’

     5 months ago
23
Leave a Comment
4 SHARE

Ipinaalala ngayon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang kahalagahan ng buhay, kahit buhay pa ng itinuturing nating mga kaaway.

Sa kanyang sermon sa misang isinagawa kasabay ng “Walk for Life” sa Quirino Grandstand sa Maynila, sinabi ni Cardinal Tagle na ang buhay ay regalo ng Diyos na dapat pinapahalagahan.

Ayon kay Cardinal Tagle, kaya mangako tayo sa Diyos na huwag waldasin ang buhay, bagkus gawin itong makabuluhan para sa kapwa.

Sa ginanap na “Walk for Life,” inihayag ni Cardinal Tagle na ito ay sama-samang paglalakad para sa lahat ng buhay, kasama na ang buhay ng mga kaaway.

Ang nasabing “Walk for Life” ay isinagawa sa harap ng mga sinasabing extra-judicial killing sa anti-drug war ng Duterte administration.

“Ang buhay ng ating kaaway ay regalo. Ang buhay nito ay regalo pa rin ng Diyos,” ani Cardinal Tagle. “Ang Walk for Life ay lakad para sa lahat ng may buhay kasama na ang ating kaaway.”

Source link

Post Comments