Taiwan, muling nilindol – DZIQ Radyo Inquirer 990AM

     6 months ago
33
Leave a Comment
8 SHARE

Muling nakaranas ng pagyanig ang Taiwan, Miyerkules ng gabi.

Sa pagkakataong ito, magnitude 5.7 naman ang lakas ng lindol na tumama sa eastern coast ng Taiwan.

Ayon sa pamahalaan ng Taiwan, nangyari ang lindol malapit sa Hualien, na parehong lugar na tinamaan ng naunang pagyanig noong Martes ng gabi.

Batay sa datos ng US Geological Survey, may layong 21 kilometers mula sa Hualien ang nasabing lindol na may lalim na 11 kilometers.

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring ginagawa ng mga rescue teams ang kanilang makakaya para sagipin ang mga posible pang nakaligtas sa naunang pagyanig.

Inilikas naman na sa ligtas na lugar ang mga residenteng naapektuhan ng nasabing lindol.

Source link

8 SHARE

Post Comments