Tanim na marijuana sa Davao, kumpiskado

     2 months ago
13
Leave a Comment
4 SHARE

Nasamsam ng otoridad ang limang paso ng tanim na marijuana sa isang bahay sa Davao City.

Ayon sa Talomo Police, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago ng marijuana sa likod ng bahay ni Lovergil Perillo sa bahagi ng Gem Village, Barangay Baa.

Giit ng naarestong suspek, napulot lang nito ang marijuana nang anurin ng tubig-baha sa lugar.

Mahaharap si Perillo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source link

4 SHARE

Post Comments