Tarragona Davao Oriental niyanig ng dalawang magkasunod na lindol

     3 months ago
15
Leave a Comment
5 SHARE

Magkasunod na pagyanig ang naitala sa bayan ng Tarragona sa lalawigan ng Davao Oriental kaninang madaling araw.

Ayon sa Phivolcs unang naganap ang magnitude 3.5 na lindol ala 1:34 ng madaling araw sa 184 kilometers South ng Tarragona.

4 kilometers lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Alas 2:07 naman ng madaling araw nang yanigin muli ng magnitude 3.7 na lindol ang Tarragona.

Naitala naman ang epicenter ng lindol sa 210 kilometers South sa nasabing bayan.

47 kilometers ang lalim ng ikalawang pagyanig at tectonic din ang origin.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

5 SHARE

Post Comments