Task Force binuo sa pagpatay sa abogado ni Kerwin Espinosa

     2 months ago
26
Leave a Comment
10 SHARE

Bumuo na ng “Task Force Ungab” ang Cebu City Police Office para tutukan ang pananambang at pagpatay sa abogado ni Kerwin Espinosa na si Atty. Jonnah John Ungab.

Tatlong anggulo ang tinututukan ng mga otoridad kabilang ang kaniyang trabaho, personal na galit at pulitika.

Katuwang na rin ng Cebu City Police ang NBI sa imbestigasyon.

Kakagaling lamang ni Ungab sa korte sa Cebu kasama ang kliyenteng si Espinosa para sa promulgation nito sa kasong illegal possession of firearms nang maganap ang pananambang.

Ipinag-utos na rin ng CCPO ang manhunt operation para maaresto ang bumaril kay Ungab.

Ayon sa pamilya ni Ungab, wala silang alam na ito ay may kaaway mula ng naging vice mayor siya sa bayan ng Rhonda sa Cebu.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

10 SHARE

Post Comments