Tatlo sugatan sa pag-atake ng NPA sa Quezon

     6 months ago
23
Leave a Comment
11 SHARE

Sugatan ang asawa ng miyembro ng makakaliwang partido na Anakpawis, at dalawang anak nito sa pag-atake ng New People’s Army sa militar sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Hazel Macalalad ng Army 2nd Infantry Division, sakay ng jeep ang tatlo na kasunod ng trak ng Army. Tinambangan ng NPA ang militar sa Barangay Bacong sa General Luna kaninang alas-9:00 ng umaga.

Tinamaan din ng improvised explosive device ng mga rebeldeng komunista ang pampasaherong jeep.

Maliban sa tatlong pasahero, sugatan din sa insidente ang apat na myembro ng engineering battalion.

Ginamot ang mga biktima sa Bondoc Peninsula District Hospital.

 

 

 

 

 

 

Source link

11 SHARE

Post Comments