Tatlong lalaki arestado sa pagnanakaw sa Maynila at Makati City

     7 months ago
19
Leave a Comment
13 SHARE

Arestado ang dalawang mag-kinakapatid matapos hablutin ang bag ng isang babaeng call center agent sa Dagupn Street, Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerick Magpayo at Michael Bayut na kapwa nakainom.

Kwento ng biktima, tatlo silang sakay ng jeep ngunit siya lamang ang pinuntirya ng mga suspek. Aniya, sumampa sa jeep si Magpayo at hinila ang kanyang bag. Tinangka niya pang bawiin ito at nahulog ang bag sa sahig ng jeep. Naglakas loob pa rin ang suspek na balikan ito bago tumakas, sakay ng motor na minamaneho ni Bayut.

Nang maaresto, iginiit ni Magpayo na dala lamang na kalasingan ang pagnanakaw, habang depensa naman ni Bayut, hindi niya alam na magnanakaw pala ang kinakapatid.

Pagdating sa himpilan ng mga pulis, itinuro ng isang kawani ng barangay ang dalawang supek na nagnakaw noong nakaraang gabi.

Kahit na hinarap sa kanila ang biniktima ay mariing itinanggi ng mga suspek ang krimen.

Samantala, kinuyog ng mga residente ng Barangay Pembo, Makati ang isang lalaking nagnakaw umano ng cellphone ng isang babae.

Kinuha ng biktima ang atensyon ng mga tao sa lugar kaya naman hinabol at kinuyog nila ang suspek na si Jerbie Durin.

Natigil na lamang ang gulo nang dumating na ang mga nagpapatrolyang mga pulis at inaresto si Durin.

Lahat ng mga suspek ay mahaharap sa kasong theft at kasalukuyan nang nakaditine sa mga himpilan ng pulisya.

 

 

 

 

Source link

13 SHARE

Post Comments