Tawag ng Tanghalan Kids, nagpasiklab sa Little Big Shots US

     3 months ago
45
Leave a Comment
20 SHARE

Pinabilib nina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Kiefer Sanchez ang US audience maging sina Steve Harvey at Ellen Degeneres sa kanilang guesting sa Little Big Shots US.

Ang tatlong batang ito ay finalists ng Tawag ng Tanghalan Kids ng It’s Showtime.

Mismong si Ellen Degeneres ang nag-upload ng kanilang performance sa show kung saan ‘effortless’ nilang inawit nila ang kantang “Listen” ni Beyonce.

Agad na nagviral sa Facebook ang naturang video at sa ngayon ay nagtala na ng halos 15 million views, 252,000 reactions at 134,000 shares.

Kitang-kita sa video kung paano halos magtatatalon si Steve Harvey sa tuwing bibirit ang tatlong bata.

Sa kanyang caption naman sa video ay hinimok ni Ellen Degeneres si Beyonce na panoorin ang episode ng palabas na ieere ngayong araw ng Linggo.

Nakatanggap ng standing ovation ang TNT kids sa US audience.

Bago ang kanilang guesting sa Little Big Shots US ay nagkaroon din ng guesting ang tatlo sa edisyon ng palabas sa United Kingdom.

Source link

20 SHARE

Post Comments