Taxi driver na nagsauli ng bag ng dayuhang pasahero pinaralangan

     2 months ago
19
Leave a Comment
11 SHARE

Binigyang pagkilala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang taxi driver na nagsauli ng puch ng kaniyang Amerikanong pasahero sa NAIA terminal 2 noong nakaraang linggo.

Binigyan ng LTFRB ng certificate of commendation si Rodney Char Mallari.

Ang itim na pouch na isinauli ni Mallari sa kaniyang dayuhang pasahero ay naglalaman ng P50,000 cash; $2,000 cash; credit cards; IDs at iPhone 8.

Samantala, binigyang parangal din ng LTFRB ang dalawang driver ng PUVs na kapwa nagpakita naman ng kabutihan sa kanilang mga pasahero.

Ang grab driver na si Arnel Lunar ay binigyang pagkilala dahil sa pagtulong sa pasahero niyang inatake sa puso noong nakaraang buwan habang ang taxi driver na si Rex Binibini ay pinarangalan din dahil sa pagsasauli ng gamit na naiwan ng kaniyang pasahero.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

11 SHARE

Post Comments