Temperatura sa Baguio City bumaba sa 12 degrees Celsius

     2 months ago
9
Leave a Comment
0 SHARE

Nakapagtala ng malamig na 12 degrees Celsius sa Baguio City, Martes (Feb. 6) ng umaga.

Mas malamig ito kumpara sa naitatalang 13 hanggang 14 degrees Celsius nitong nagdaang mga linggo.

Ayon sa PAGASA, muli kasing lumakas ang pag-iral ng Amihan at inaasahang mararanasan ito hanggang sa ikalawang linggo ng Pebrero.

Noong January 13 naitala ang pinakamababang temperature sa Baguio ngayong taon na umabot sa 11.4 degrees.

Sa susunod na mga linggo inaasahang dadagsa ang mga turista sa Baguio City dahil sa taunang Panagbengan Festival na magsisimula sa February 24.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments