Thai soccer team, makakalabas na ng ospital sa susunod na linggo

     2 months ago
15
Leave a Comment
3 SHARE

Makakalabas na ng ospital sa susunod na linggo ang Thai soccer team na binubuo ng 12 bata at kanilang coach, ayon kay Health minister Piyasakol Sakolsatayadorn.

Kasalukuyang nagpapagaling ang mga ito at nakatakdang ma-discharge sa ospital sa Huwebes, July 19.

Sinabi ni Piyasakol na kinakailangan ihanda ang mga bata at kanilang mga pamilya sa atensyong matatanggap ng mga ito paglabas ng ospital.

Sinagip ang huling grupo ng “Wild Boars” soccer team kasama ang kanilang coach mula sa Tham Luang cave malapit sa border ng Myanmar noong Martes ng gabi.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

3 SHARE

Post Comments