Tiyuhing pumatay sa isang dalagita sa Valenzuela City, arestado na

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Nasukol ng mga pulis ang suspek sa pagpatay at tangkang panggagahasa sa kaniyang 11-anyos na dalagitang pamangkin sa Libis Bukid, sa Malinta, Valenzuela City.

Kinilala ang biktima na si Grace Oliveros, na natagpuan ng kaniyang mga nakababatang kapatid na patay na sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Ayon kay Valenzuela City Police chief Sr. Supt. Ronaldo Mendoza, duguan at nakitaan ng sugat sa leeg ang bangkay ni Oliveros, habang nakababa naman ang damit nito pang-ibaba.

Hinihinalang nag-tangkang lumaban ang dalagita dahil nakitaan ng mga hibla ng buhok ang kamay nito at magulo ang kanilang kwarto.

Nakuha naman sa crime scene ang isang kutsilyo na posibleng ginamit ng suspek na si Ricky Castillano sa pagpatay kay Oliveros.

Nang mahuli si Castillano, iginiit niya pa na hindi siya lango sa iligal na droga nang gawin niya ang krimen, at nagdilim lang ang kaniyang paningin dahil ayaw gumising ng pamangkin.

Sa kabila ng pag-amin niya na na ibinaba niya ang salawal ng dalagita, iginiit niyang hindi niya ito ginahasa.

Napag-alaman na ipinapaalaga ng ama ng mga bata ang mga ito sa kanilang lola at tiyuhin habang siya ay nagtatrabaho.

Sa ngayon ay hawak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nakababatang kapatid ng biktima.

Source link

0 SHARE

Post Comments