Top CPP-NPA leader, naaresto sa Ozamiz

     2 months ago
23
Leave a Comment
6 SHARE

CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado sa pamamagitan ng joint operation ng Ozamiz City Police Station at 10th Infantry Battalion Philippine Army ang Secretary General ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa may Bernard Subdivision, City Hall Drive, Barangay Aguada, Ozamiz City.

Detinado na sa Bureau of Jail and Management and Penology sa Barangay Tinago, Ozamiz City, ang wanted person na si Rommel D Salinas, 45, single, at walang permanenteng address.

Si Salinas ay may nakabinbin na warrant of arrest dahil sa kasong frustrated murder at destructive arson na inisyu ni Judge Dan Calderon, presiding judge ng Regional Trial Court, Branch 32, 10th Judicial Region, Dinagat Island, Surigao City, noong October 21, 2013.

Pansamantalang makakalabas sa bilangguan ang suspek kung makakapagbayad sa P200,000 bailbond na inirekomenda ng korte.

Source link

6 SHARE

Post Comments