Total deployment ban ng mga OFWs sa Kuwait, pinaaalis na ni Duterte – Palasyo

     3 months ago
26
Leave a Comment
9 SHARE

Pinababawi na ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinatupad na total deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa bansang Kuwait.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, ito ay kasunod ng rekomendasyon ni Special Envoy to Kuwait Abdullah Mama-o.

Kasabay nito, inatasan na ni Pangulong Duterte si Labor Sec. Silvestre Bello III na isakatuparan ang nasabing utos.

Nitong araw ng Lunes nang ianunsyo ng Malacañang na inalis na ng gobyerno ng Pilipinas ang deployment ban para sa mga skilled at semi-skilled workers sa nasabing bansa.

Magugunitang nag-ugat ang deployment ban sa maraming kaso ng pang-aabuso sa ating mga kababayan sa Gulf state, kabilang na ang kaso ni Joanna Demafelis na isinilid ang bangkay sa loob ng freezer ng isang abandonadong apartment.

Source link

Post Comments