Total deployment ban sa Kuwait binawi na ni Pang. Duterte

     3 months ago
26
Leave a Comment
10 SHARE


Binawi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total deployment ban sa Kuwait kasunod ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait ukol sa proteksyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa rekomendasyon ni Special Envoy to Kuwait Abdullah Mama-o, inutusan ng pangulo si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na tanggalin na ang pagbabawal ng pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait.

Ang hakbang ng gobyerno ng Pilipinas ay kasunod ng anunsyo sa unang pagtanggal ng deployment ban sa mga skilled at semi-skilled Pinoy workers sa Kuwait.

Buwan ng Pebrero nang ipatupad ng pangulo ang total deployment ban sa mga newly-hired OFW sa Kuwait dahil sa mga kaso ng pag-abuso kabilang ang natagpuan sa freezer na si Joanna Demafelis.

Nagkaroon ng negosayon para sa kasunduan sa proteksyon ng mga OFW pero nabalam ito bunsod ng kumalat na video ng pagligtas ng Philippine Embassy personnel sa mga distressed OFW.

Ipinadala ng pangulo ang ilang opisyal ng bansa sa Kuwait na nagresulta sa pagpirma ng kasunduan sa dagdag proteksyon ng mga OFW.

Source link

10 SHARE

Post Comments