Tourist arrivals sa Boracay, tumaas sa kabila ng ‘cesspool’ issue

     2 months ago
10
Leave a Comment
3 SHARE

KALIBO, Aklan – Lumobo ang bilang ng tourist arrivals sa isla ng Boracay sa kabila ng “cesspool” remarks ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isla.

Base sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Caticlan Jetty Port, nasa kabuuang 99,729 na mga turista ang nagbakasyon sa isla magmula noong Pebrero 1-15 ng taong kasulukuyan.

Sa naturang numero, 70,876 ang mga foreigners; 26,827 ang mga domestic at 2,026 ang overseas Filipino workers.

Mas mataas aniya ito ng 17.7 percent kung ihahambing sa nakaraang taon sa magkaparehong period kung saan nakapagtala ng 84,707 tourist arrivals.

Dinagsa din ang isla nitong Chinese New Year kung saan mas marami ang pinili na mag-long weekend sa Boracay.

Source link

Post Comments