Trailer ng Filipino adaptation ng ‘Miss Granny’, inilabas na

     1 week ago
6
Leave a Comment
3 SHARE

Pinag-uusapan sa Twitter ang trailer ng Filipino adaptation ng Korean hit film na ‘Miss Granny’ na pinagbibidahan ng Pop Superstar na si Sarah Geronimo.

Halos isang oras matapos i-upload ang trailer sa Youtube ay agad nitong nasungkit ang top spot sa Twitter Philippines.

Sa ngayon ay mayroon na agad itong higit 4,300 likes sa Youtube.

Ang naturang pelikula na ay tungkol sa kwento ng isang matanda na nagngangalang Fely na ginampanan ni Nova Villa.

Si Fely ay nabigyan ng pagkakataong maging batang muli matapos bumisita sa isang misteryosong photo studio.

Ilan naman sa mga netizens ang nagsabing lalo silang na-excite matapos mapanood ang trailer.

Samantala, bida rin sina James Reid at Xian Lim sa nasabing pelikula na isinagawa sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Ayon sa Viva Films, ipalalabas sa mga sinehan sa buong bansa ang pelikula sa August 22.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.



Source link

3 SHARE

Post Comments