‘Trump, ‘chain immigration policy’ apektado mga Pinoy na gustong mag-migrate’

     3 months ago
24
Leave a Comment
11 SHARE

BACOLOD CITY – Malaki umano ang magiging epekto sa mga Pilipinong nais mag-migrate sa Estados Unidos ang pagpapabago sa sistema ng chain immigration na gustong ipaputol ni President Donald Trump.

Sa ulat sa Star FM Bacolod international correspondent Winston Sario, Filipino migrant sa California, sinabi niyang maganda ang tema ni President Trump sa kanyang first State of the Union address (SOTU).

Totoo aniya na gumanda ang ekonomiya, nabawasan din ang red tape, napabilis ang pagproseso ng mga dokumento at napa-deport din ang mga may iligal na gawain sa US, at natulungan pa sa ibang pangangailangan ang mga beterano.

Subalit makakaapekto naman sa mga Pilipinong may balak na manirahan sa Amerika ang pagputol sa chain immigration.

Ang chain immigration ay ang pagpasok sa Estados Unidos ng mga immigrant mula sa ibang bansa sa pamamagitan ng sponsorship mula sa kamag-anak nilang US citizens na.

Ayon sa mga kritiko sa naturang polisiya, “flawed” ang kasalukayang sistema ng chain immigration at maaari itong magresulta sa walang tigil na pagpasok ng mga immigrant sa kanilang bansa.

Ang ibang katawagan sa chain immigration ay “family reunification.”

Sa ilalim nito ang mga green card holders ay nagagawang maghain ng petition para sa kanilang mga asawa at wala pang asawa na mga anak para maging permanent U.S. residents.

Paliwanag pa ng U.S. Citizenship and Immigration Services ang mga U.S. citizens naman ay maaring mag-petition para sa visas ng “additional family members.”

Sa SOTU kahapon ni Trump, kanyang sinabi na sa bagong sistema, lilimitahan nila ang sponsorships sa asawa at sa mga menor de edad na anak.

“Under the current broken system, a single immigrant can bring in virtually unlimited numbers of distant relatives,” ani Trump. “Under our plan, we focus on the immediate family by limiting sponsorships to spouses and minor children.”

Kung maaalala batay sa pagtaya noong 2011 ng United States Department of State nasa 4 million ang mga Filipino Americans kabilang na ang mga tinaguriang multiracial Americans na may dugong Pinoy.

Source link

Post Comments