Trump, kampanteng susunod si Kim sa ‘denuclearization’; sanctions sa NoKor, ‘di muna aalisin

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Buo ang tiwala ni US President Donald Trump na tatalima si North Korean leader Kim Jong-un sa kanilang napagkasunduang denuclearization sa Korean Peninsula, na hudyat daw sa pagbabago ng relasyon ng dalawang bansa.

Sa isang press briefing pagkatapos ng makasaysayang paglalagda ng dalawang lider sa isang kasunduan sa Singapore, sinabi ni Trump na “very firm” daw si Kim na ituloy ang denuclearization sa Korean Peninsula.

Handa raw kasi silang magsimula ng panibagong kasaysayan, o bagong chapter sa pagitan ng US at North Korea.

“I don’t think they have ever had the confidence in a president they have right now for getting things done and ability to get things done,” ani Trump.

“He was very firm in the fact that he wants to do this — I think he might want to do this as much or even more than me. They see a bright future for North Korea. So you never know, right.”

Sa katunayan, ipinangako nga raw ni Kim na sisirain nila ang kanilang major missile engine testing site.

Nabatid na hindi na naisama ang commitment na ito sa joint declaration ng dalawang lider subalit iginiit ni Trump na napagkasunduan daw nila ito ni Kim pagkatapos nilang lagdaan ang naturang kasunduan sa aniya’y “honest, direct and productive” na pagpupulong.

Gayunman, aminado ang presidente ng Estados Unidos na wala silang itinakdang timetable para sa complete denuclearization ng Korean Peninsula.

Paliwanag ni Trump, mahabang panahon ang kakailanganin para magawa raw ito “scientifically.”

“Scientifically you have to wait certain periods of time. But once you start the process it means it’s pretty much over,” ani Trump.

Samantala, nilinaw naman din nito na magpapatuloy pa rin ang implementasyon ng kanilang sanctions sa North Korea.

Aalisin lamang daw ito sa oras na hindi na maging banta ang nuclear weapons ng Pyongyang, bagay na inaasahan daw ni Trump na mangyari sa lalong madaling panahon.

Sa kabilang dako, inanunsyo rin ni Trump na ihihinto na ng US ang kanilang “war games” o joint military exercises kasama ang South Korea dahil maituturing daw niya ito bilang “provocative” para naman sa North Korea.

Subalit umaasa raw siya na kinalaunan ay mapapauwi na rin daw niya ang US forces mula South Korea, pero sa ngayon ay hindi raw ito kasama sa kanilang “equation” o tinitimbang na mga hakbang.

“I want to get our soldiers out. I want to bring our soldiers back home. But that’s not part of the equation right now. I hope it will be eventually.”

Ayon kay Trump, umaasa siya na pagkatapos ng araw na ito, at sa mga hakbang na kanilang natalakay ni Kim tungo sa kapayapaan, ay mawawakasan na ang mahigit 70 taon na Korean war, at maibabalik na sa South Korea ang labi ng nasa humigit kumulang 6,000 South Koreans na nasawi sa nasabing digmaan.

“We dream of a future where all Koreans can live in harmony where light of peace chases away the darkness of war, it’s right there, it’s witihin our reach. People thought this could never take place.”

Source link

0 SHARE

Post Comments