Trump, Kim committed sa denuclearization ng Korean Peninsula

     2 months ago
11
Leave a Comment
7 SHARE

Nangako sina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong-un na sisikapin nilang pagtrabahuhan ang pagkamit ng “complete denuclearization” ng Korean Peninsula.

Ang dokumentong nilagdaan ng dalawaang lider sa kanilang makasaysayang summit ngayogn araw ay nagsasabi rin na magtutulungan ang Estados Unidos at North Korea para bumuo ng “lasting” at “stable peace regime” sa nasabing rehiyon.

Hindi pa nailalabas ng White House ang text ng dokumento, subalit nakuhanan na ito ng litrato ng iba’t ibang news media sa gitna ng nangyaring signing ceremony.

Gayunman, natukoy ngang nakasaad sa naturang dokumento ang apat na malalawak na commitments.

Kabilang na rito ang commitment sa pagtatag ng panibagong US-DPRK relations alinsunod sa pagnanais ng mga residente ng dalawang bansa na magkaroon ng kapayapaan at kasaganaan.

Nangako rin ang dalawang lider sa pag-recover ng mga labi ng mga bilanggo sa giyera at iyong mga missing in action.

Nauna nang sinabi ni Trump na “very important” at “pretty comprehensive” ang dokumentong kanilang nilagdaan ni Kim.

Iginiit naman ni Kim na makakakita ang mundo ng “major change” kasunod nang kanilang pagpupulong ngayong araw ni Trump.

Sa kabilang dako, nilisan na ng convoy ng North Korean leader ang Sentosa Islan pagkatapos na lagdaan ang naturang dokumento kasama ang presidente ng Amerika, na mananatili pa rin sa Capella Hotel. (Associated Press)

Source link

Post Comments