Tuloy na tuloy ang brgy. at SK elections sa Mayo – Palasyo

     5 months ago
23
Leave a Comment
6 SHARE

Tiniyak ng Malacañang na tuloy ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa buwan ng Mayo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mismong si Senate President Koko Pimentel ang nagsabi na malamig sila sa Senado sa panukala sa Kamara na ipagpaliban muli ang eleksyon.

Ayon kay Roque, nagtataka sila kung saan nakuha ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang ideya sa pahayag na hindi tuloy ang barangay at SK elections sa Mayo para bigyang-daan daw ang Charter-change gayong malinaw naman ang paninindigan ng Senado sa isyu.

Sa Kamara umugong din ang isyu nang maghain ng panukalang batas si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali para sa posponement ng Barangay at SK poll sa darating na Mayo.

Kung maaalala, makailang beses nang ipinagpaliban ang Barangay at SK elections dahil sa pangamba ni Pangulong Rodrigo Duterte na babaha umano ang pera mula sa iligal na droga at maluklok ang mga kandidatong popondohan ng mga drug lord.

Source link

Post Comments