Typhoon Gardo napanatili ang lakas; nananatili sa karagatan ayon sa PAGASA

     2 months ago
25
Leave a Comment
6 SHARE

Napanatili ng Typhoon Gardo ang lakas nito habang kumikilos sa west northwest direction sa karagatan ng Pilipinas.

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 1,165 kilometers East ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 245 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras.

Sinabi ng PAGASA na palalakasin ng bagyong Gardo ang Habagat na maghahatid ng monsoon rains sa MIMAROPA, Western Visayas at occasional rains sa Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Zambales, Bataan at Aurora hanggang bukas, araw ng Martes.

Simula sa Miyerkules, mas malaking bahagi pa ng Luzon ang maaapketuhan at uulanin na rin ng Habagat ang western section ng Luzon.

Sa Miyerkules ng umaga ay inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

6 SHARE

Post Comments