Umano’y kakapusan ng suplay ng NFA rice, iimbestigahan na sa Kamara

     6 months ago
29
Leave a Comment
3 SHARE

 

Bubusisiin na sa Kamara ang umano’y kakapusan sa bigas ng National Food Authority sa merkado at kakaunting buffer stock.

Noong February 7, inihain ni House Committee on Agriculture chair Jose Panganiban Jr. ang resolusyon para imbestigahan ang ulat na umamin ang NFA na mayroon na itong 65,200 metric tons ng bigas na buffer stock na tatagal na lamang ng dalawang araw.

Isinaad ni Panganiban sa resolusyon na ang mandato sa NFA ay magkaroon ng buffer stock ng bigas na tatagal nang 15 araw.

Ayon sa mambabatas, uusisain nila ang ugnayan ng NFA at NFA Council. Sinabi niya na maanomalya na hindi kasama ang kalihim ng Department of Agriculture sa NFA Council.

Ayon kay Panganiban, ang NFA ay binubuo ng mga kinatawan ng Department of Finance, the Department of Trade and Industry, Cabinet Secretary. Development Bank of the Philippines at Land Bank.

Aniya, naghain na rin siya ng panukala na para sa reorganization ng NFA Council.

Nakatakda ang pagdinig ng Kamara sa kakapusan ng bigas sa susunod na linggo. / Rohanisa Abbas

Excerpt: Nakatakda ang pagdinig ng Kamara sa kakapusan ng bigas sa susunod na linggo.

Source link

3 SHARE

Post Comments