Umano’y rice cartel sa Maynila, kailangan munang patunayan kung totoo – NFA

     6 months ago
20
Leave a Comment
5 SHARE

Naniniwala ang National Food Authority (NFA) na alegasyon lamang ang nabunyag sa pagdinig ng Kamara patungkol sa umano’y rice cartel na matatagpuan sa Dagupan St., Tondo, Maynila.

Sa pagdinig inatasan ng Committee on Food and Agriculture ang NFA at Department of Agruculture (DA) na magsagawa ng inspection sa mga traders ng rice cartel.

Kasunod ito nang pagbubunyag ni Manila Rep. Manuel Luis Lopez na may rice cartel sa Maynila.

Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, sa panayam ng Bombo Radyo Philippines, bagamat alegasyon lamang ito ay nakahada nilang imbestigahan ang sinasabing rice carter at kung may hoarding sa supply ng bigas.

Maalalang sa pagdinig ng komite sa Kamara kaugnay ng rice shortage ng NFA ay napagkasunduan na kaagad inspeksyunin ang 13 rice traders.

Source link

Post Comments